Para po sa mga naapektuhan ng bagyo at habagat, mula po sa kasalukuyang 10 percent ay ibababa po sa 7 percent ang interest sa calamity loan ng Social Security System (SSS), ayon ‘yan mismo sa ahensya.
Layunin ng rebisyong ito na tulungan ang mga miyembro sa mga lugar na nasa state of calamity.
Makakakuha ng mas mababang interes ang mga may malinis na credit record sa loob ng limang taon, habang puwede namang mag-renew ng loan pagkatapos ng anim na buwan.
Ayon kay SSS president Robert de Claro, mas padadaliin din ang proseso ng activation—mula isang buwan ay gagawing pitong araw ito pagkatapos ng kalamidad.
ADVERTISEMENT
Maaari ring mag-apply ng loan hanggang tatlumpung araw mula sa araw ng pag-anunsyo ng LGU.
Aabot sa ₱20,000 ang halaga na maaaring makuha base sa monthly salary credit ng isang miyembro.

