Good NewsFeatured

Rain or Shine: Kasalan sa Barasoain Church, itinuloy sa gitna ng pagbaha | News Light

For better or for worse. ‘Yan ang pinatunayan ng newlywed couples na ikinasal noong kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa Malolos, Bulacan.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

For better or for worse.

‘Yan ang pinatunayan ng newlywed couples na ikinasal noong kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa Malolos, Bulacan.

Binaha man ang Barasoain Church, itinuloy pa rin nina Jade Rick Verdillo at Jamaica Aguilar ang kanilang kasal.

Kasama ang kanilang entourage at iba pang bisita, nilusong nila ang baha sa loob ng simbahan at itinuloy ang pag-iisang dibdib.

ADVERTISEMENT

Maraming netizen ang namangha at nagpaabot rin ng pagbati sa newlywed couple.

Congratulations, Jade and Jamaica!

What do you feel about this article?