WeatherFeatured

Pondo sa flood control, dapat ibigay sa DPWH at hindi sa mga pulitiko, ayon kay Sen. Erwin Tulfo | News Light

Nanawagan si Senator Erwin Tulfo kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na dapat ilipat sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pamamahala ng pondo sa flood control imbes na…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Nanawagan si Senator Erwin Tulfo kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na dapat ilipat sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pamamahala ng pondo sa flood control imbes na sa mga pulitiko.

Giit ni Tulfo, madalas na hindi maayos ang implementasyon kapag pulitiko ang namumuno sa proyekto.

Plano rin niyang imbestigahan ang paggasta sa mga flood control funds dahil hindi pa rin nababawasan ang baha at lalo lamang lumalala kapag may hagupit ng bagyo at habagat.

Dagdag pa ng senador, problema umano ang mga maliliit na drainage at kulang ang spillway para sa sobrang tubig mula dam bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

ADVERTISEMENT

Samantala, hinikayat ni Tulfo si Pangulong Marcos na bigyang prayoridad ang paggawa ng flood master plan bilang paghahanda sa anumang kalamidad.

What do you feel about this article?