WeatherFeatured

Halaga ng pinsala sa imprastruktura dahil sa habagat at bagyo, umabot na sa ₱3.75 bilyon | News Light

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umabot na sa ₱3.75 bilyon ang inisyal na pinsala sa mga pampublikong imprastruktura sa limang rehiyon dahil sa epekto ng…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umabot na sa ₱3.75 bilyon ang inisyal na pinsala sa mga pampublikong imprastruktura sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan sa isang press briefing sa Malacañang, karamihan sa mga nasira ay mga flood control structures na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3.25 bilyon.

Nasira rin ang mga national road na may halagang ₱483 milyon at ₱69 thousand, at mga tulay na nagkakahalaga ng ₱24.48 milyon.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Island Region.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?