Good NewsFeatured

‘No pets left behind’: Mga alagang hayop, kasamang inilikas sa gitna ng pag-ulan at baha | News Light

Kasamang inilikas ng mga residente ang kanilang mga alagang hayop mula sa pagbaha at pag-ulan.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Kasamang inilikas ng mga residente ang kanilang mga alagang hayop mula sa pagbaha at pag-ulan.

Sa ilang video ng netizens, makikita ang kanilang pagsasakripisyo na lumusong sa baha mailigtas lamang ang kanilang mga alagang aso o pusa.

Sa Brgy. Manggahan sa Pasig, binuksan nila ang animal welfare area sa evacuation center upang masiguro ang kaligtasan ng mga alagang hayop ng mga residenteng lumikas.

Ganito rin ang kalagayan sa Valenzuela City kung saan nagpadala pa ng pagkain para sa kanila.

ADVERTISEMENT

Sa ilan pang larawan, kasama ng ilang residente ng Quezon City ang kanilang mga fur babies sa evacuation center.

Indeed, no pets left behind.

What do you feel about this article?