
Giniginaw at namumutla na nang matagpuan ang isang malusog na sanggol na babae sa madamong bahagi ng Brgy. Ilayang Taykin, Liliw Laguna, kaninang alas-9:30 ng umaga.
Base sa ulat ng Liliw Municipal Police Station, bagong silang pa ang sanggol dahil may dugo at pusod pa ito nang matagpuan ng concerned citizen sa lugar.
Agad naman itong nilinisan ng mga residente at nasa maayos nang kalagayan ngayon.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan upang matukoy kung sino ang responsable sa naturang sanggol.
ADVERTISEMENT

