DZJV Radyo CALABARZONFeatured

36th Sublian Festival, ipinagdiriwang sa Batangas City

Hindi nagpatinag sa ulan ang mga Batangueño sa masiglang pagdiriwang ng 36th Sublian Festival at 56th Founding Anniversary ng Batangas City ngayong araw, July 23. Sa kabila ng masamang panahon,…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Atom Pornel

Hindi nagpatinag sa ulan ang mga Batangueño sa masiglang pagdiriwang ng 36th Sublian Festival at 56th Founding Anniversary ng Batangas City ngayong araw, July 23.

Sa kabila ng masamang panahon, itinuloy ang makukulay na street dance at float parade sa kahabaan ng P. Burgos Street, Court Dance Competition sa Batangas City Coliseum, at inaasahan ang Street Party sa harap ng City Hall mamayang gabi.

Bukod sa pagpapalalim ng pagkilala sa kulturang Batangueño, nagdulot din ito ng siglang pang-ekonomiya sa lungsod, lalo na sa sektor ng turismo, kainan, transportasyon, at maliliit na negosyo na lumahok sa mga aktibidad.

Ang Sublian Festival ay taunang pagdiriwang bilang pagpaparangal kay Sto. Niño at pagpreserba sa katutubong sayaw na Subli — patunay ng matibay na pananampalataya at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Batangas City.

What do you feel about this article?