RegionalLatest News

302 silid-aralan sa Western Visayas, apektado bunsod ng habagat | News Light

Hindi na nga nakaligtas ang nasa 302 na silid-aralan sa magkakasunod na hagupit ng habagat sa Western Visayas.

Newslight · · Updated · 1 min read

Hindi na nga nakaligtas ang nasa 302 na silid-aralan sa magkakasunod na hagupit ng habagat sa Western Visayas.

Ayon kay DepEd-6 spokesperson Hernani Escullar Jr., ang tatlong daang silid-aralan ay mula sa 42 na magkakaibang paaralan sa Western Visayas — dalawang paaralan sa Aklan, 13 paaralan sa Antique, at 27 naman sa Iloilo.

Dagdag pa niya, iisa-isahing susuriin ang naturang mga silid upang makita ang mga pinsala. Aagapan raw agad, aniya, ang mga makikitang damages sa bawat silid upang magamit ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Katuwang sa pagsasaayos ng mga silid ang regional office ng Kagawaran ng Edukasyon at Disaster Risk Reduction and Management Office ng DepEd.

ADVERTISEMENT

Samantala, kasalukuyang balik face-to-face classes na ang mga paaralan sa naturang lugar, bukod sa Oton City, Iloilo, matapos ang masamang lagay ng panahon. (Evan Clemente/News Light)

What do you feel about this article?