WeatherFeatured

12 indibidwal, patay matapos ang pananalasa ng Bagyong Crising at habagat | News Light

Hindi bababa sa labindalawa ang naitalang nasawi dahil sa Bagyong Crising at hagupit ng habagat batay sa ulat ng Philippine National Police.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Hindi bababa sa labindalawa ang naitalang nasawi dahil sa Bagyong Crising at hagupit ng habagat batay sa ulat ng Philippine National Police.

Sa pinakahuling naitalang namatay ay sa Mimaropa Region.

Tatlo naman sa mga naunang nasawi ay mula sa Northern Mindanao, habang tig-isa naman sa Davao at Caraga.

Habang bineberipika pa naman ang iba pang nasawi.

Samantala, nawawala pa rin ang anim na indibidwal habang anim din ang nasugatan sa pananalasa ng masamang panahon.

ADVERTISEMENT

Umabot na sa mahigit 1.2 milyong indibidwal ang apektado sa lahat ng labimpitong rehiyon sa bansa.

Tinatayang aabot na sa mahigit ₱50 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura — na karamihan ay sa Mimaropa — at aabot naman sa ₱413 milyon ang tantyang nasira sa mga imprastraktura, kung saan pinakamarami ay sa Ilocos at Western Visayas.

Babala naman ng PAGASA, asahan pa ang malalakas na ulan sa halos buong bansa ngayong linggong ito, kabilang ang Metro Manila na lubog pa rin sa baha.

What do you feel about this article?