Nakipagpulong na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United States Defense Secretary Pete Hegseth sa Pentagon bago ang nakatakdang pagpupulong nila ni US President Donald Trump.
Kabilang sa mga pinag-usapan nina Marcos at Hegseth ang defense and security cooperation ng Pilipinas at US.
Kasama ni Marcos sa pakikipagpulong kay Hegseth sina Defense Secretary Gilberto Teodoro, Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro, at National Security Adviser Eduardo Año, maging si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
Inaasahan naman ang paghaharap nina Marcos at Trump sa August 1 para pag-usapan ang ipinataw na 20% tariff sa mga produktong ine-export ng Pilipinas papasok ng US.

