News LightFeatured

‘Magtrabaho sila’: PBBM, tiniyak ang kahandaan ng pamahalaan sa gitna ng masamang panahong bunsod ng habagat | News Light

Magtrabaho at mag-coordinate. ‘Yan ang marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamahalaan para tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng masamang panahong bunsod ng habagat.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Magtrabaho at mag-coordinate.

‘Yan ang marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamahalaan para tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng masamang panahong bunsod ng habagat.

Ayon sa Pangulo, inatasan niya ang mga kagawaran, maging ang iba’t ibang ahensya, na tiyakin ang pangangailangan ng mga biktima ng pag-ulan at pagbaha.

Kabilang dito ang mga relief goods, medical needs, sapat na suplay ng tubig at kuryente, maging transportasyon.

Hinimok naman ng Pangulo ang publiko na makinig sa national government maging sa mga local government unit para manatiling ligtas sa gitna ng masamang panahon.

Samantala, aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na “lousy” o naging mabagal ang kanilang pag-anunsyo ng suspensyon ng klase nitong Lunes, July 21.

ADVERTISEMENT

Aminado ang DILG na hindi naunahan ng kagawaran ang delubyo, bagay na binatikos online.

Ito ay sa kabila ng marching order ni Pangulong Marcos Jr. na magtrabaho at mag-coordinate sa kasagsagan ng mga pagbaha at pag-ulan.

Nasa US ngayon si Pangulong Marcos Jr. para makipagpulong kay President Donald Trump bilang bahagi ng kanyang official visit.

What do you feel about this article?