Mabibigyan ng libreng pagkain araw-araw ang mga kindergarten students mula sa mga pampublikong paaralan dahil sa pinalawak na School-based Feeding Program (SBFP) ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, mas madaling matututo ang mga bata kung sila ay may sapat na nutrisyon.
Inaasahang magbebenepisyo ang nasa 3.4 milyong mga bata sa buong bansa sa naturang programa.
Kasama rin sa mabibigyan ay mga malnourished na bata mula Grade 1 hanggang Grade 6.



