DZJV Radyo CALABARZONRegional

Bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaking nalunod umano sa ilog sa Barangay Pulvorista, Kawit, Cavite, kahapon, ika-21 ng Hulyo. Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Kawit MDRRMO

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaking nalunod umano sa ilog sa Barangay Pulvorista, Kawit, Cavite, kahapon, ika-21 ng Hulyo.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Kawit, agad nila itong nirespondehan matapos i-ulat ng mga nakakita.

Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na maging maingat lalo na sa mga lugar na malapit sa ilog, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

What do you feel about this article?