Labing-walo na ang naitatalang patay habang siyam pa ang hinahanap, dahil sa matinding buhos ng ulan na nagdulot ng landslide sa South Korea.
Base sa iniulat ng Ministry of the Interior and Safety, sampu na ang nasawi at may apat pang nawawala sa bayan ng Sancheong, dalawa ang patay at may apat ring nawawala sa Gapyeong, at dalawa rin ang nasawi sa kanlurang bahagi ng Seosan.
Sa kabuuan, mahigit labing-apat na libong tao na ang inilikas magmula nang bumuhos ang ulan nitong Miyerkules.
Samantala, ibinaba na ng pamahalaan ng South Korea ang kanilang warning level, mula “serious” papuntang “attention.”

