Balitang A2ZLatest News

Yedda Romualdez, babalik sa kamara bilang Tingog Party-list Rep.

Kinumpirma ng COMELEC na balik kamara na ang 6th nominee ng Tingog Partylist na si Yedda Romualdez matapos umatras ang tatlong nominees ng partido.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Kinumpirma ng COMELEC na balik kamara na ang 6th nominee ng Tingog Partylist na si Yedda Romualdez matapos umatras ang tatlong nominees ng partido.

Makakasama ni Yedda sa kongreso ang asawa na House Speaker Martin Romualdez at anak na Tingog 1st nominee na si Andrew Julian.

Samantala, inuudyukan ni Sen. Imee Marcos ang kapatid na si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pirmahan na ang panukalang pag uurong sa barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2026 na nakatakda dapat sa darating na Disyembre.

Nasa ilalim rin ng panukala na inihain para sa lagda ng pangulo ang pagpapalawig ng termino ng BSK officials sa apat na taon.

What do you feel about this article?