Dismayado na ang ilang balik-Senador sa mga delay sa pag-usad ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, at hiniling na umpisahan na ito agad sa pag-convene ng 20th congress.
Kinastigo naman ng isang mambabatas ang usap-usapang plano ng ilang Duterte allies sa Senado na ipa-dismiss ang impeachment case dahil sa umano’y unconstitutionality.

