RegionalLatest News

Salpukan ng bus at SUV sa San Pablo City, 3 patay, 6 ang sugatan | News Light

Agad binawian ng buhay ang tatlong biktima habang anim ang sugatan sa nangyaring aksidente matapos magsalpukan ang pampasaherong bus at isang SUV sa Maharlika Highway, Barangay San Francisco, San Pablo…

Newslight · · 2 min read

Agad binawian ng buhay ang tatlong biktima habang anim ang sugatan sa nangyaring aksidente matapos magsalpukan ang pampasaherong bus at isang SUV sa Maharlika Highway, Barangay San Francisco, San Pablo City noong madaling araw ng Sabado.

Ayon sa San Pablo City Police, naganap ang insidente dakong 1:45 ng madaling araw sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Kinumpirma ng San Pablo City Police na dead on arrival sa San Pablo City District Hospital ang tatlong sakay ng SUV.

ADVERTISEMENT

Habang dalawa pang sakay ng SUV ang malubha ring nasugatan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa Soledad Santisimo Road ang SUV, subalit pagdating nito sa intersection ng Maharlika Highway ay hindi ito huminto at biglang pumasok.

Nahagip ito ng paparating na bus na patungo sa direksyon ng Metro Manila.

ADVERTISEMENT

Sa lakas ng impact, wasak ang SUV at bumaliktad pa ito sa gitna ng kalsada.

Sa ulat, ang mga nasawi ay isang 41-anyos na lalaki, residente ng Sto. Tomas City, Batangas; isang 31-anyos na lalaki at residente ng Majayjay, Laguna; at isang 35-anyos na nakatira naman sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sugatan naman ang isang babaeng store manager at residente ng Brgy. Del Remedio, San Pablo City, at ang nagmamaneho ng SUV na 31-anyos, residente rin ng nabanggit na lungsod.

ADVERTISEMENT

Apat naman ang nagtamo ng minor injury na pawang sakay ng pampasaherong bus. (Kevin Pamatmat/ News Light)

What do you feel about this article?