Pinasisingil ng isang mambabatas ang DENR para panagutan ang umano’y pinsalang dulot ng Dolomite Beach project sa Manila Bay na tinukoy ng MMDA na nagiging sanhi ng pagbaha sa Maynila.
Isinumite ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang House bill 56 para imbestigahan ang proyekto at iginiit na naging “cosmetic intervention” lamang ang proyekto at nagdudulot pa ng sakuna.
Aniya, nagsara ito ng tatlong lagusan ng tubig nung 2020 kaya nagdudulot ngayon ng mga pagbaha.
Matatandaang binuo at ipinatupad ang dolomite beach sa ilalim ng Duterte administration at nagkahalaga ng 389 milyong piso.
ADVERTISEMENT
Pero matatandaang giit ng mga tagapagtanggol ng proyekto na tinupad lamang nito ang Supreme Court mandamus noong 2008 para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

