Uncategorized

PHIVOLCS: Magnitude 5.8 na lindol, tumama sa probinsya ng Cagayan | News Light

Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Cagayan province nitong Linggo, mag-a-alas-2 ng hapon.

Newslight · · 1 min read

Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Cagayan province nitong Linggo, mag-a-alas-2 ng hapon.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang sentro ng lindol 14 kilometro sa hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan at may lalim na 10 kilometro.

Ayon sa datos, naitala ang Intensity 3 na lindol sa Claveria, Cagayan; Intensity 2 sa Basco, Batanes; Intensity 1 para sa Peñablanca, Cagayan.

Pinaalalahanan ng awtoridad ang mga residente ng mga apektadong lugar na mag-ingat at manatiling handa sa mga posibleng aftershocks.

ADVERTISEMENT

Samantala, wala namang naiulat na pinsala sa naturang lindol. (Edrei Mallorca/ News Light)

What do you feel about this article?