Magkikita sa Washington D.C. sa Amerika sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at U.S. President Donald Trump sa July 22 para talakayin ang mas pinaigting na kooperasyon sa ekonomiya, depensa, at seguridad.
Ayon sa Department of Foreign Affairs isa sa mga layunin ng pagbisita ay ang pagtutol ng Pilipinas sa planong 20 percent tariff sa Philippine exports na mas mataas kaysa sa unang anunsyo na 17 percent.
Inaasahang magkakaroon din ng pag-uusap tungkol sa regional issues, people-to-people ties, at bilateral trade agreement.
Imbitado rin ni Marcos si Trump na dumalo sa East-Asia summit sa Maynila sa 2026 kung saan Pilipinas ang ASEAN chair.
ADVERTISEMENT
Ito ang ikalimang pagbisita sa Amerika ni Marcos bilang pangulo at unang ASEAN leader na tinanggap ni Trump mula nang maupo ito sa puwesto.
Samantala, kasama naman ni Marcos sina Secretary of Foreign Affairs Maria Theresa Lazaro, Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr., Secretary of Trade and Investments Christina Roque at iba pa.

