News LightLatest News

PBBM, Trump magpupulong sa U.S. para sa kooperasyon sa ekonomiya at seguridad | News Light

Dumating na si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa Washington, D.C., sa United States of America ngayong Lunes, para talakayin ang mas pinaigting na kooperasyon sa ekonomiya, depensa, at seguridad.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Dumating na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Washington, D.C., sa United States of America ngayong Lunes, para talakayin ang mas pinaigting na kooperasyon sa ekonomiya, depensa, at seguridad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, isa sa mga layunin ng pagbisita ay ang pagtutol ng Pilipinas sa planong 20 percent tariff sa Philippine exports, na mas mataas kaysa sa unang anunsyo na 17 percent.

Inaasahang magkakaroon din ng pag-uusap tungkol sa regional issues, people-to-people ties, at bilateral trade agreement.

Imbitado rin ni Marcos si Trump na dumalo sa East Asia Summit sa Maynila sa 2026 kung saan Pilipinas ang ASEAN chair.

ADVERTISEMENT

Ito ang ikalimang pagbisita sa Amerika ni Marcos bilang pangulo at siya rin ang unang ASEAN leader na tinanggap ni Trump mula nang maupo ito sa puwesto.

Samantala, kasama naman ni Marcos sina Secretary of Foreign Affairs Maria Theresa Lazaro, Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr., Secretary of Trade and Investments Christina Roque, at iba pa.

What do you feel about this article?