WeatherLatest News

Panibagong LPA, namataan sa loob ng PAR – PAGASA | News Light

Isang panibagong low pressure area (LPA) ang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Carlene Latuna · · 1 min read

Isang panibagong low pressure area (LPA) ang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Noong alas-3 ng umaga, namataan ang LPA 1,140 km. ng silangan ng Southeastern Luzon.

Ayon sa weather bureau, maliit ang tsansa nitong maging bagyo at walang inaasahang direktang epekto sa ngayon.

Ang mas ikinababahala ng ahensya sa mga susunod na araw ay ang patuloy na pag-iral ng habagat o southwest monsoon.

What do you feel about this article?