Pinag-aaralan pa ng pamahalaan ang mas malalim na epekto ng pagpapatupad ng total ban sa lahat ng uri ng online gambling, sa kabila ng panawagan ng ilang grupo na agad na itong ipagbawal dahil sa dumaraming bilang ng mga Pilipinong nalululong dito, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa panayam kay Bersamin nitong Linggo, ipinahayag niya na wala pa namang nagbabago sa polisiya patungkol sa online gambling.
Tinanong din siya kung posible bang talakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa SONA ang total ban sa mga ito.
Naungkat din sa panayam ang pagdedeklara ng Pangulo ng total ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sagot ni Bersamin, matindi aniya ang paninindigan ni PBBM sa POGO ban, at kasalukuyan pa rin namang pinag-aaralan ang mga online games na hindi konektado sa mga online fraud o scams.
ADVERTISEMENT
Nitong nakaraan, matatandaang nanawagan na ang ilang mga senador, religious organizations, at ilan pang mga grupo na ipagbawal na ang online gambling sa bansa. (Evan Clemente/ News Light)

