Balitang A2ZLatest News

Palasyo, wala pang impormasyon hinggil sa arrest warrant ng ICC sa mga sangkot sa kasong war on drugs

Wala pang natatanggap na arrest warrant mula sa International Criminal Court ang Malacañang laban kay Sen. Bato Dela Rosa at iba pang kasama ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Wala pang natatanggap na arrest warrant mula sa International Criminal Court ang Malacañang laban kay Sen. Bato Dela Rosa at iba pang kasama ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Communications Undersecretary Claire Castro na wala pang komunikasyong dumarating mula ICC kaugnay sa mga co-accused ni Duterte.

Ito’y matapos sabihin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na posibleng arestuhin na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa sandaling mag-isyu ng warrant of arrest ang ICC.

Si Dela Rosa ang unang PNP chief ni Duterte at itinuturing na “arkitekto” ng war on drugs.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyang nasa ICC detention facility sa The Hague si Duterte para harapin ang kasong crimes against humanity.

What do you feel about this article?