Mula Cagayan sa Norte hanggang sa Negros sa Visayas apektado ng malawakang pagbaha bunsod ng habagat at bagyong Crising.
Pero pagtitiyak ng pamahalaan, ready for distribution ang nasa 3-milyong food at hygiene kits. Kasama sa ipapamahagi ang mga balde na may filter para sa malinis na inuming tubig.
Nalubog sa baha ang mga palayan, daanan at kabahayan sa maraming bahagi ng bansa dahil sa paguulan na dala ng bagyong Crising at Habagat, Biyernes July 18.
Sa Negros Occidental, tumirik ang maliliit na sasakyan na nagpumilit na tumawid sa malalim na baha.
ADVERTISEMENT
Ganito rin ang nangyari sa mga motorista sa Puerto Princesa Palawan.
Kahit ang mga truck napahinto at kinailangang itulak.
Nagmistula namang isla sa gitna ng lawa ng baha ang munisipyo ng sablayan sa Occidental Mindoro.
ADVERTISEMENT
Habang sa Penablanca, Cagayan goodbye na ang isang jeep na inanod ng rumaragasang ilog.
Ayon sa mga nakakita, nabalahaw ang jeep nang subukang tawirin ang baha, umaga ng Biyernes.
Bigo nang marekober pa ang sasakyan kaya’t nang tumaas ang tubig ay tuluyan itong tinangay ng tubig.
Buti na lang ay wala na itong sakay.
ADVERTISEMENT
Puspusan naman ang paghahanda ng pamahalaan sa inaasahang patuloy na pag-uulan dala ng bagyong Crising.
Kanina personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang warehouse ng Department of Social Welfare and Development sa Pasay Cit para i-monitor ang paghahanda ng relief goods.
Ayon sa DSWD, naiposisyon na ang mahigit 3 milyong food packs at hygiene kits sa 935 storage hubs sa buong bansa.
ADVERTISEMENT
Personal ring sinibukan ni PBBM ang ipapamahaging mga balde na may filter para sa malinis na inuming tubig.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, apektado ng kasalukyang sama ng panahon ang may 24-thousand na indibidwal.

