Balitang A2ZLatest News

Iginiit ng Department of Agriculture na ligtas pa rin kainin ang mga isda mula Taal Lake sa kabila ng mga balitang may bangkay umanong itinapon doon.

Bumaba kasi ang benta ng isda matapos iugnay ang lawa sa nawawalang mga ‘Sabungero’ na hinahanap ng Philippine Coast Guard.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Bumaba kasi ang benta ng isda matapos iugnay ang lawa sa nawawalang mga ‘Sabungero’ na hinahanap ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay DA spokesperson Asst. Sec. Arnel De Mesa walang basehan ang takot ng ilan sa social media.

Ipinaliwanag din ni De Mesa na hindi kumakain ng nabubulok na laman ang mga isda sa lawa.

Caged o may harang at commercial feeds ang diet ng tilapia habang plankton naman ang kinakain ng tawilis at buhay na isda naman ang kinakain ng maliputo.

ADVERTISEMENT

Bahagyang tumaas ang presyo ng tilapia dahil sa pagkonti ng huli pero wala pa namang planong magdeklara ng state of calamity.

Layon ng BFAR na ibalik ang kumpyansa ng publiko kaya naman magdaraos ng boodle fight sa July 22 kasama ang mga mangingisda para patunayang ligtas ang isda sa Taal.

What do you feel about this article?