DZJV Radyo CALABARZON

Halos 2,000 pamilya sa CALABARZON, apektado ng habagat at bagyong Crising

Umabot na sa 1, 766 na pamilya sa rehiyong CALABARZON ang naapektuhan ng bagyong Crising at habagat. Base sa datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD CALABARZON,…

rasibag · · 1 min read
Photo courtesy: DSWD CALABARZON

Umabot na sa 1, 766 na pamilya sa rehiyong CALABARZON ang naapektuhan ng bagyong Crising at habagat.

Base sa datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD CALABARZON, ang mga ito ay mula sa 24 na LGU.

Kabilang dito ang 56 na pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Hapay na Mangga Elementary School, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal, habang 400 mula sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna.

Sa ngayon, nasa mahigit P1.2-M na halaga ng family food packs ang naipamahagi ng kagawaran.

ADVERTISEMENT

Bukod sa ayuda, patuloy rin ang monitoring at inspection ng DSWD sa mga evacuation center upang matiyak ang kaligtasan at agarang pangangailangan ng mga evacuee.

What do you feel about this article?