Nakalapag na sa Riyadh Saudi Arabia si First Lady Liza Araneta Marcos ngayong July 18.
Ayon sa Malacanang, nakatakdang bumisita ang unang ginang sa OFW community doon.
Ilulunsad rin niya ang OWWA serbisyo Caravan na siyang one stop shop para sa government services na kailaangan ng mga Pinoy sa Saudi.
bBalik bansa naman si ginang Marcos sa July 21 salisi sa pag-alis ni President Bongbong Marcos Jr. na biyaheng Amerika sa July 20.
ADVERTISEMENT
Usap-usapan kamakailan kung bakit hindi makakasama ang First Lady sa official U.S. visit ni PBBM.
Itoy sa harap ng alegasyon kasama umano si Mrs. Marcos sa Amerika noong Marso nang mamatay ang Filipino businessman na si Paolo Tantoco dahil sa drug use.



