WeatherLatest News

Emergency shelter assistance, inihatid sa mga nasalanta ng bagyong “Crising” | News Light

Nagpadala ng emergency shelter assistance ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng Severe Tropical Storm “Crising,” na nagdulot ng pinsala sa 356…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Nagpadala ng emergency shelter assistance ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng Severe Tropical Storm “Crising,” na nagdulot ng pinsala sa 356 na kabahayan sa tatlong rehiyon.

Batay sa ulat ng DHSUD, 307 ang bahagyang nasira habang 49 ang tuluyang nawasak — pinakamarami sa Region VI, na sinundan ng Region IX at Negros Island Region.

Humiling din ang ahensya ng 5,000 shelter-grade tarpaulins mula sa International Organization for Migration para maipamahagi sa mga pinakanaapektuhang lugar.

Namahagi rin ang ahensya ng housing materials at essential kits sa mga nasalantang komunidad bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

What do you feel about this article?