DZJV Radyo CALABARZONRegional

Babaeng parcel repacker, arestado sa P3.4-M na halaga ng shabu

Arestado ang isang 34-anyos na dalagang “parcel repacker” matapos mahulihan ng P3.4-M na halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation ng PDEA CALABARZON sa Brgy. Sta. Fe, Dasmariñas City. Cavite.…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: PDEA CALABARZON

Arestado ang isang 34-anyos na dalagang “parcel repacker” matapos mahulihan ng P3.4-M na halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation ng PDEA CALABARZON sa Brgy. Sta. Fe, Dasmariñas City. Cavite.

Tinukoy ng pulisya ang suspek sa alyas na “Jamaica”, residente ng Brgy. Dan Dionisio.

Naaresto ito matapos makipagtransaksyon sa undercover agent bandang alas-3:45 ng hapon sa harap ng isang convenience store.

Nasamsam mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 500 grams, pati na rin ang marked money.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyan itong nakakulong at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

What do you feel about this article?