Balik-bansa si Pinay tennis sensation Alex Eala matapos ang ilang maiinit na laban na nagpataas ng kanyang ranggo sa WTA.
Fresh mula Wimbledon dala dala ni Eala ang kanyang bagong career-high na world no. 56 kaya naman nagkaroon ng mainit na meet and greet sa fans si Eala sa Taguig ngayong Biyernes.
Habang ibinahagi rin niya ang natutunan sa tagumpay na hindi lahat ng maganda sobrang ganda at hindi lahat ng masama ay sobrang sama.
Bilang sorpresa binigyan siya ng customized funko pop doll ng isang major telecom company bilang pagkilala sa kanyang tagumpay at inspirasyon.
ADVERTISEMENT
Samantala, magtutungo si Eala sa Montreal, Cincinnati, at Mexico at magde-debut sa women’s main draw ng U.S. open.
Congrats, and goodluck Alex!

