InternationalNews Light

38 katao, nasawi matapos tumaob ang isang tourist boat sa Vietnam | News Light

Umakyat na sa 38 katao ang nasawi dahil sa tumaob na tourist boat sa Vietnam noong hapon ng Sabado, ayon sa pamahalaan ng Vietnam.

Carlene Latuna · · 1 min read

Umakyat na sa 38 katao ang nasawi dahil sa tumaob na tourist boat sa Vietnam noong hapon ng Sabado, ayon sa pamahalaan ng Vietnam.

Tumaob ang bangka bunsod ng malakas na hangin at malakas na pag-ulan na dala ng Storm Wipha o ang bagyong Crising.

Lulan ng bangka ang 48 na pasahero at limang crew, ayon sa ulat ng lokal na pahayagang VNExpress.

Ayon pa sa ulat, higit 20 ay bata na kasama ang kanilang pamilya at bumisita sa capital ng Vietnam na Hanoi.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa Vietnam News Agency, may 11 na nakaligtas at 27 indibidwal ang narekober.

What do you feel about this article?