InternationalLatest News

Tatlo patay sa pagsabog ng Israeli tank shell sa Katolikong simbahan sa Gaza | News Light

Tatlong katao ang nasawi matapos tamaan ng Israeli tank shell ang tanging Katolikong simbahan sa Gaza, ayon sa Latin Patriarchate of Jerusalem.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Palestine News & Info Agency

Tatlong katao ang nasawi matapos tamaan ng Israeli tank shell ang tanging Katolikong simbahan sa Gaza, ayon sa Latin Patriarchate of Jerusalem.

Kinilala ang mga nasawi na sina Najwa Abu Daoud, Saad Issa Kostandi Salameh, at Foumia Issa Latif Ayyad, habang sugatan naman ang sampu katao, kabilang ang paring si Father Gabriel Romanelli.

Ayon sa mga ulat, bandang alas-diyes ng umaga nang tamaan ng kanyon ang Holy Family Church, dahilan ng pagkasawi ng mga sibilyan.

Bagamat iginiit ng Israel na hindi sila tumatarget ng mga relihiyosong lugar, nagpahayag ng labis na pagkalungkot si Pope Leo XIV sa insidente.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma rin ng Gaza Civil Defense ang mga nasawi habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyari.

What do you feel about this article?