Naantig ang puso ng mga netizens sa emotional reunion ng isang aso at ng kanyang fur mom na hindi niya nakita ng halos isang taon.
Ang alaga kasi ni Queenee na si Ashi ay tila umiyak nang makita niya muli ang kanyang fur mom.
Noong una ay mailap pa si Ashi nang sinusubukan ng kanyang amo na lapitan siya.
Pero ilang saglit lamang ay makikita na ang saya nito at tila ba naiyak na nga ito nang mapagtanto kung sino ang umuwi sa kanila.
ADVERTISEMENT
Giit ng ilang netizen sa comment section, naiyak rin sila dahil nadama nila ang pagmamahal ni Ashi sa kanyang fur mom.

