Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tatlong batas na nagdedeklara ng ilang bahagi ng Guimaras, Quezon, at Albay bilang protected areas.
Kabilang dito ang Taklong at Tandog Group of Islands sa Guimaras, Alibijaban Protected Landscape and Seascape sa Quezon, at Mt. Masaraga Protected Landscape sa Albay.
Layunin ng mga batas na ito ang konserbasyon, proteksyon, at tamang pamamahala ng kalikasan katuwang ang pamahalaan, LGUs, NGOs, at lokal na komunidad.
Bubuo rin ng Protected Area Management Boards o PAMB upang mangasiwa sa bawat lugar at pamahalaan ang pondo para sa mga proyekto.



