
66 percent disapproval ang natanggap ng administrasyong Marcos para sa kanilang pagtugon sa inflation, ayon ‘yan sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia.
Ibig sabihin, hindi aprubado sa dalawa sa tatlong Pinoy ang aksyon ng pamahalaan ukol dito.
Lumabas na 18 percent lamang ang “approve” samantalang 16 percent ang undecided.
Higit kalahati rin sa mga sumagot ang “disapprove” sa ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang kahirapan ng mga Pilipino.
ADVERTISEMENT
Isinagawa ang naturang survey mula June 26 hanggang 30.

