Sen. Sherwin Gatchalian, nanawagan sa mga LGU na palakasin ang mga nutrition-related services | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nais nang tutukan ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatatag ng nutrisyon ng mga bata sa mga barangay.

Sa pagdiriwang kasi ng Nutrition Month, mainam aniya na mas paigtingin pa ang mga feeding programs, paghusayin pa ang pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan, at mag-invest pa umano sa mga livelihood programs na makatutulong sa mga pamilya.

Aniya, ang paglaban sa malnutrisyon ay pagtataguyod rin umano sa edukasyon.

Kadalasan raw kasi sa mga kabataang nahihirapan sa mga aralin ay dulot ng malnutrisyon.

Makatutulong aniya ang pagpapatupad ng Republic Act 12199 upang mas mahikayat pa ang mga lokal na pamahalaan na magpatuloy pa sa mga programa at isagawa ang mga serbisyong lalaban sa malnutrisyon.

ADVERTISEMENT

Ang Republic Act 12199 o ang Early Childhood Care and Development System Act ay ang batas na naglalayong pangalagaan ang kalusugan at edukasyon ng mga kabataan. (Evan Clemente/ News Light)