Good NewsFeatured

Pinoy high school students, nag-uwi ng mga medalya mula sa 2025 International Chemistry Olympiad | News Light

Ipinamalas ng Filipino high school students ang kanilang husay sa siyensya, partikular sa chemistry! Iyan ay dahil nag-uwi ng medalya mula sa 2025 International Chemistry Olympiad sa Dubai ang mga…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Ipinamalas ng Filipino high school students ang kanilang husay sa siyensya, partikular sa chemistry!

Iyan ay dahil nag-uwi ng medalya mula sa 2025 International Chemistry Olympiad sa Dubai ang mga mag-aaral mula sa Philippine Science High School.

Si Mohammad Nur Casib mula Central Mindanao Campus ay nakatanggap ng silver medal, samantala sina Kyush Cian Cabilino, Ogden Michael Javier, at Rex Alphonse Reventar naman mula sa Main Campus ay itinanghal na bronze medalists.

Pagbati para sa inyong karangalan at maging sa inyong coach at parents na nagbigay ng suporta para sa inyong pakikilahok sa paligsahan na ito!

What do you feel about this article?