Latest NewsNews Light

PBBM, umaasa na matatapos ang Metro Manila Subway bago mag-2028 | News Light

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matatapos at mapasisinayaan ang Valenzuela-Ortigas segment ng Metro Manila Subway bago matapos ang kaniyang termino sa 2028.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matatapos at mapasisinayaan ang Valenzuela-Ortigas segment ng Metro Manila Subway bago matapos ang kaniyang termino sa 2028.

Binisita ni Marcos ang Camp Aguinaldo Station sa Quezon City, na isa sa labimpitong istasyon ng 33-kilometer underground railway.

Ininspeksyon din ng pangulo ang tunnel boring machine na ginagamit sa Camp Aguinaldo-Ortigas alignment.

Inaasahan itong magpapaigsi ng biyahe mula Valenzuela City hanggang NAIA sa loob ng 40 minuto.

Target ng Department of Transportation na maka-accommodate ito ng higit limandaang libong pasahero araw-araw sa takdang magsimula na ang operasyon nito.

ADVERTISEMENT

Pinuri naman niya ang mga Japanese engineers at mga Filipino workers sa proyekto.

What do you feel about this article?