WeatherLatest News

Klase sa ilang bahagi ng Luzon, suspendido dahil sa masamang panahon dulot ng TD Crising | News Light

Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa masamang panahong dulot ng tropical depression Crising.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa masamang panahong dulot ng tropical depression Crising.

Walang pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa Catanduanes, Baras, at Negros Oriental.

Wala ring pasok sa elementary hanggang senior high school sa Antique, Aborlan sa Palawan, at Maria sa Aurora.

Walang pasok ang face-to-face classes sa San Jose, Antique mula elementary hanggang senior high school pero tuloy pa rin ang online classes.

ADVERTISEMENT

Samantala, ang tropical depression Crising ay nasa bandang Catanduanes at inaasahang mas lalakas pa.

Posible itong mag-landfall o dumaan sa kalupaan ng Cagayan o Babuyan Islands sa Biyernes ng gabi o sa Sabado ng umaga.

What do you feel about this article?