Isang makabuluhang comeback ang ibinigay ni Fil-Am singer Jessica Sanchez sa america’s got talent matapos siyang makatanggap ng golden buzzer mula kay Sofia Vergara.
Nagbabalik sa stage si sanchez na unang sumali sa unang season ng AGT dalawampung taon na ang nakalipas.
Pinabilib niya ang lahat sa kaniyang bersyon ng “beautiful things” ni Benson Boone na umani naman ng standing ovation mula sa mga hurado.
Happily married ngayon at masayang inanunsyo nito na siya ngayon ay preggy na
para sa kaniyang unang anak.
Ibinahagi rin ni Sanchez ang kaniyang pagkawala sa musika sa loob ng ilang taon pero muling nagbabalik ngayon dahil sa pagmamahal niya sa pag-awit.
ADVERTISEMENT
Matatandaang nakilala rin si Sanchez sa american idol noong 2012 kung saan nag second place siya at sa kanyang album noong 2013 na pinamagatang “me, you & the music.”
Way to go Jessica!

