“Hindi ito entertainment, this is addiction”: Sen. Villanueva, isinusulong din ang total ban sa online sa bansa | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Inihain ni Senador Joel Villanueva ang panukalang total ban sa online gambling sa bansa dahil marami na ang nagiging lulong at nabibiktima nito.

Seryosong banta aniya ito sa bawat Pilipino dahil instant na ang pagsusugal dahil online na ito at kayang-kayang gawin gamit ang smartphone — dahilan para maging accessible hindi lang sa mga matatanda kundi pati sa mga kabataan.

Bukod kay Villanueva, nais din nina Senador Migz Zubiri at Raffy Tulfo ang total ban sa online gambling, habang ang ilang senador ay nais na mas higpitan pa ang regulation dito.

Sumali na rin kamakailan ang Simbahang Katolika sa panawagan.

ADVERTISEMENT

Umaasa naman ang senador na mababanggit ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address.