Umalma si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-uugnay ng kanyang drug war case sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Samantala, dumistansya naman ang tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte sa itinuturong mastermind umano sa krimen na si atong ang na napag-alamang dati pala niyang kliyente.
“Kalokohan” – iyan ang tawag ni former President Rodrigo Duterte sa tangkang pag-uugnay sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabungero ayon sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
Sa testimonya kasi ng whistleblower na si Julie Patidongan sa NAPOLCOM ang mga pulis na umano’y inatasang ilibing ang mga sabungero sa taal lake ay sangkot din umano bilang tagaligpit noong war on drugs ng duterte administration.
ADVERTISEMENT
Pero ayon kay VP Sara, hindi na sila nagulat sa bagong akusasyon. aAgad namang dumistansya ang bagong spokesperson ng office the Vice President na si Ruth Castelo sa isyu.
Naungkat kasi na si Castelo ang naging abogado ni aAtong ang noong taong 2007 hanggang 2009.
Si Ang, na kilalang gaming tycoon, ay itinuturong umano’y mastermind sa pagpatay sa mga sabungero na sangkot umano sa game fixing o dayaan.
ADVERTISEMENT
Matatandaang nakulong na noon si ang sa kasong plunder kaugnay sa jueteng scandal ni dating Pang. Joseph “Erap” Estrada.
Sa harap nito, tiniyak ng Department of the Interior and Local Government na
walang sasantuhin sakaling mabunyag ang iba pang mga pangalang kasama ni ang sa tinaguriang alpha group – o yung mga naghahatian sa milyun-milyong pisong kita sa sabong.
Sa ngayon on going na ang case build up ng dilg, katuwang ang Philippine National Police at Department of Justice.
ADVERTISEMENT
Habang nagpadala na ang napolcom ng summons para sumagot sa loob ng limang araw ang labindalawang aktibong pulis na isinasangkot sa isyu.



