News LightLatest News

DOH, suportado ang regulasyon o total ban ng online gambling | News Light

“Addiction to gambling is a mental health problem.” ‘Yan ang ipinahayag ni Health Secretary Ted Herbosa ukol sa isyu ng online gambling.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

A woman using smartphone in the dark

“Addiction to gambling is a mental health problem.”

‘Yan ang ipinahayag ni Health Secretary Ted Herbosa ukol sa isyu ng online gambling.

Sang-ayon ang DOH chief sa mga panukalang naglalayong i-regulate o tuluyang ipagbawal ito sa bansa.

Dagdag niya, dahil sa madaling access ng online gambling, maraming pamilya ang nalulong o lulong dito.

Magugunitang ilang mambabatas na ang naghain ng panukalang i-regulate o ipagbawal ang online gambling gaya nina Senador Joel Villanueva, Senador Migz Zubiri, at Senador Win Gatchalian.

ADVERTISEMENT

Noong nakaraang linggo, ipinatanggal na rin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga billboard ng online gambling sa mga pampublikong lugar.

What do you feel about this article?