Naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hinggil sa inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Crising at southwest monsoon.
Ipinatupad na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa ilang bahagi ng hilagang Luzon bilang paghahanda sa paglapit ng Bagyong Crising bago mag-weekend.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang timog-silangang bahagi ng Cagayan, silangang bahagi ng Isabela, hilagang-silangang bahagi ng Aurora, at hilagang-silangang bahagi ng Quirino.
Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na pamahalaan na mag-ingat at magsagawa ng kaukulang paghahanda laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Paalala rin ng PAGASA, hindi dapat gawing basehan ng class suspensions ang weather advisory dahil ito ay para lamang sa pangkalahatang babala sa panahon.
ADVERTISEMENT
Samantala, itinaas na ng PAGASA sa signal no. 1 ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa tropical depression Crising.
Kabilang dito ang:
- Cagayan, including the Babuyan Islands
- Isabela
- Apayao
- Quirino
- Kalinga
- Northeastern Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
- Eastern Mountain Province (Sadanga, Barlig, Paracelis, Natonin)
- Eastern Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut)
- Northeastern Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Bagabag, Diadi)
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng malakas na pag-ulan at pagbaha sa naturang mga lugar.

