Maghahain ng panukala si Senator Raffy Tulfo para tuluyang ipagbawal ang online gambling sa bansa kahit pa lisensyado ang mga ito ng PAGCOR.
Ayon kay Tulfo, nagiging epidemya na ito kung saan inihalimbawa niya ang ilang mga driver na nagsusugal kahit na nagmamaneho maging ang pagsusugal kahit ng mga paslit.
Dagdag pa ng senador, hindi na sapat ang regulasyon kaya nararapat na ipatigil na ito ng buo bago pa tuluyang masira ang lipunan.
Sumuporta naman sa kanyang panukala sina Senators Zubiri, Villanueva, Dela Rosa, at Bong Go.
ADVERTISEMENT
Habang umaasa si Tulfo, na mababa nggit ito ni Pangulong Marcos Jr. sa darating na SONA sa July 28.

