Muling inihain ni Senador Ping Lacson ang Parents Welfare Act of 2025 na layong tiyakin na hindi pababayaan ng mga anak ang kanilang magulang pagtanda.
Ayon kay Lacson, layon rin ng batas na pahalagahan ang Filipino family ties at ang tungkulin ng anak sa magulang.
Sa ilalim ng panukala, ituturing na criminal act ang pag-abandona sa mga magulang.
Kung maipapatupad, ang magulang ay maaaring maghain sa korte ng petisyon para suportahan ng anak at bibigyan ng support order ang anak kung hindi ito susundin.
ADVERTISEMENT
Magkahalong pagsang-ayon at di-pagsang-ayon ang naging reaksyon ng mga netizen sa naturang panukala.

