Pinawalang-bisa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs (OPAMPA) kasabay ng isinasagawang reorganisasyon sa Office of the President.
Sa bisa ng Executive Order No. 89 na nilagdaan noong Hulyo 11, tuluyang binuwag ang OPAMPA alinsunod sa layunin ng administrasyon na magpatupad ng rightsizing at streamlining ng mga tanggapan.
Ayon sa kautusan, ang mga tungkulin ng OPAMPA ay ipapasa na sa Office of the Executive Secretary, Department of National Defense, National Security Council, PNP, at iba pang ahensya.
Ang mga kagamitan, dokumento, at ari-arian ng OPAMPA ay ililipat naman sa Office of the Deputy Executive Secretary for Support Services and Auxiliaries.

