Nagsasagawa ng hakbang ang Department of Migrant Workers (DMW) at pamahalaan ng Oman para palakasin ang ugnayang paggawa na layong tiyakin ang kapakanan at proteksyon ng overseas Filipino workers (OFW).
Ayon sa DMW, nagkita sa Mandaluyong City sina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at mga opisyal ng Oman upang pag-usapan ang ethical recruitment at patas na trato sa mga Pilipinong manggagawa.
Isa sa mga tampok ng pulong ang kasunduang Memorandum of Understanding on Labor Cooperation na target pirmahan sa January 2026.
Kasabay nito, inanunsyo ng Oman ang pagbubukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, kabilang ang household workers, technicians, at port staff.
ADVERTISEMENT
Giit ni Cacdac, patuloy ring pinalalawak ng DMW ang proteksyon at oportunidad para sa OFWs sa Gitnang Silangan, habang isinusulong ang paggamit ng teknolohiya para gawing mas mabilis at ligtas ang deployment process.

