Balitang A2ZFeatured

P6.793 trillion national budget para sa 2026, aprubado na ni PBBM

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 6 point 793 trilion peso na proposed national budget para sa taong 2026.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 6 point 793 trilion peso na proposed national budget para sa taong 2026.

Ayon sa Malacañang, paglalaanan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa sektor ng edukasyon maging ang pagpapataas ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, personal na tinutukan ng pangulo ang pagtutugma ng priority programs para sa Bagong Pilipinas.

Pinakamalaking bahagi ng budget ang mapupunta sa maintenance and other operating expenses na nagkakahalagang 2 point 6 trillion pesos na sinundan ng 1 point 9 trillion pesos para sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.

ADVERTISEMENT

Halos 1 point 3 trillion pesos naman ang laan sa infrastructure projects at nasa 950 bilyong piso naman para sa financial expenses.

Isusumite ng pangulo ang budget sa kongreso sa loob ng tatlumpung araw matapos ang pagbubukas ng regular session.

What do you feel about this article?